Kapag tumugtog na sa streaming services at mga radyo ang kantang “Magasin,” “With a Smile,” at “Huling El Bimbo,” matik na yan na sasabayan na yung kanta. Mula sa mga millennials hanggang sa Gen Z, appreciated pa rin ang bandang Eraserheads. Hindi na natin siguro kailangan I-kwento kung sino si Ely Buendia at ang kanyang musika. Isa siya sa mga pillars at foundation ng Original Pinoy Music (OPM) sa ating bansa.
Sa tulong ngayon ng Artifract.io, isa sa mga pioneer ng Fine Arts NFTs in Asia, pwede mo na ngayong i-own ang isang piece ng musical art ni Ely sa blockchain. Nag-sign ng partnership si Ely Buendia, Artifract.io, WEU Event Management Services, at Dvent Productions para lamang maihatid sa mga fans ng Ely Buendia’s music sa Metaverse. Ang Ely Buendia NFTs ay may kasamang exclusive rights, an art print, at certificate of authenticity, at nahahati sa mahigit 2,000 piraso, na nagkakahalagang ₱15,000 kada isa.
“We’re neophytes in this enterprise and relatively new to the digital community, aware of the misgivings of traditional art aficionados and collectors which inspired us to thoughtfully create art featuring both digital and tangible collectible assets that have inherent value in the real world and NFT metaverse,” ayon kay Maria Diane Ventura ng Dvent Productions.
“Artifract created a platform for creators to digitize their works and to democratize access to it. We’re thrilled to enable Ely Buendia and many more artists, brands, and creators to build stronger relationships and connections with their audiences using the technology we developed at Artifract and UBX,” according to Rico Dela Cruz ng UBX.
Target ng Artifract na ma-preserve ang timeless musical collections sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa Metaverse kung saan ang mga users, as their avatar personas, ay pwedeng mag-immerse at maapreciate ang mga likha ni Ely.

“We cannot wait to bring Ely Buendia NFTs into Artifract’s platform. Our users will be able to appreciate and have access to exclusive fractionalized musical arts. Most importantly, they will own a piece of Ely’s musical art on the blockchain,” Heto ang sabi ni Marvin Agustin, co-founder ng Artifract.io.
Ayon naman kay Ely Buendia “We’re excited to be working with Artifract. This new partnership allows us the opportunity to explore other ways of sharing our music in the metaverse. We look forward to curating an exclusive set of musical pieces for our upcoming Web3 project!”.
Ely Buendia will be releasing his exclusive musical NFT na may title na “Flamed Lullaby” with his own-composed original song na “Hele.” Inspired ang artwork mula sa 2008 Reunion Concert, kung saan ang Sticker Happy Piano ay sinunog at sinira during their final performance ng “With a Smile.”
Kailan lang eh ang bandang Moonstar88 ay naglabas din ng kanilang album na “Lourdes 2088” Kung saan mayroon ding makukuhang NFT collection ang mga buyers nito sa bawat kantang laman ng album. Simula palang ito ng pagsabay ng ating OPM artists sa advance tech ng Web3 at Metaverse para na rin mahikayat ang mga new listeners at enthusiast ng Web3 na mahihilig din making ng music. Sabi nga nila, papunta pa lang tayo sa exciting na part!