Maya card vector logo.

PayMaya, as you know mga ka-Earn and Use, ay nag-ooffer na ng cryptocurrency trading sa kanilang platform. Ang kanilang mga users ay madali nang makakapag-trade ng kanilang mga paboritong crypto using their Maya app. Maya is adding more features to their platform to make it more than just an e-wallet.
Alam niyo ba na gamit ang inyong Maya card, pwede ninyong gamitin pa ito sa pag-shop ng inyong mga necessities at iba pa? Ang card na ito ay pwede gamitin basta ang store ay tumatanggap ng mga Visa and MasterCard transactions. With this, madali nang ma-achieve ang next budol purchase!
Dahil dito, ang Maya card ay di lamang pang send ng pera, pambayad ng bills, or pambili ng load or kahit pang trade ny crypto. It is truly an all-in-one money app mga ka-Earn and Use dahil sa Maya app, marami tayong iba’t ibang mga transactions na pwedeng gawin.

Ano nga ba ang advantages ng pagkuha ng Maya Card?

WITHDRAWING

Gamit ang inyong Maya Card, pwedeng mong i-withdraw ang iyong savings from any Bancnet ATM. All you need to do is transfer money from your Savings to your Wallet. Ganon lang kadali mga ka-Earn and Use, kaya perfect ito sa mga may kailangan ng cash kapag hinde available ang card payment sa mga stores.

CASHLESS DINING

Sa panahon natin ngayon, marami ng mga local restaurants and fast-food chains tulad ng McDonald’s at Jollibee ang tumatanggap ng card as a mode of payment. Ang maganda dito ay with your Maya card, hindi mo na kailangan magdala ng cash para lamang makabayad ng inyong kakainin. Mas safe ito mga ka-Earn and Use! Make sure lamang na ang store na inyong kakainan ay tumatanggap ng Maya card.

ONLINE SHOPPING

Alam naman nating mga ka-Earn and Use na mahilig tayo mag online shopping, at ang ilan online stores ay hinde tumatanggap ng Cash on Delivery as a mode of payment. Sa Maya, madali ng magtransact online dahil ang iyong card ay pwedeng gamitin na pang bayad. Wala nang hahadlang sa iyong next online purchase, ma pa-Shopee man yan or Lazada.

REWARDS

Bukod sa mga advantages na nasa taas, ang pinaka bonggang reason ng pagkuha ng Maya card ay ang kanilang iba’t ibang rewards program. Recently, ang Maya ay may partnership with Food Panda kung saan ang mga card holders ay magkakaroon ng P150 of voucher kapag ginamit nila nag kanilang mga cards. Nagkaroon din sila ng mga free Bitcoin and cash back promos. Ang pinakarecent nilang promo ay ang free physical card for every P5,000 purchase gamit ang inyong virtual card. Talaga namang mas gaganahan kang kumuha ng Maya card.

Siguradong mapapadali ang inyong daily transactions when you get your own Maya card. Kaya ano pang hinihintay ninyo mga ka-Earn and Use? Kumuha na ng inyong Maya card today.
I-click the lamang ang link to learn more about getting your Maya card.

Abangan ang aming mga susunod na mga articles kaya naman don’t forget to follow our page para sa mga news about earning and using crypto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *