Bondee characters.

Hit ngayon sa social media ang virtual avatar social app na Bondee, isang metaverse app na binuo ng Singapore-based tech firm na Metadream. Ito ay inilunsad nitong January 17 lamang, pero talaga nga namang sikat na sikat na ito sa mga Asian countries, particularly dito sa Pilipinas. Kaliwa’t kanan na din ang mga post ng Bondee users ng kani-kanilang self-designed animated rooms at avatar sa Twitter, Facebook, at Instagram.

Ang ilan pa nga ay may mga kanya-kanyang paandar na talaga namang ikinatuwa ng maraming netizens. Isa na dito ay ang tweet na, “Bondee but make it Pinoy,” kung saan ang isang user ay gumawa ng Pinoy-inspired rooms.

May mga users din na ginaya ang mga sikat na restaurants, hotels, at iba pang mga shops dito sa Pilipinas sa pag-create ng kanilang rooms.

Pero bakit nga ba ito kinagigiliwan ng karamihan?

Bukod sa pag-decorate ng rooms, ilan pa sa mga features ng Bondee ay ang pag buo ng avatars na pwedeng pwede mo itulad sa’yong appearance, pag-post ng iyong mood at status, at syempre, pwede ka ring makipag-bond with your friends through chat. Unlike other virtual animated platfoms, may mga cute avatar action din dito tulad ng humiga, tumugtog, at kumanta sa iyong room. Pwede ka ring mag post ng hobbies at daily life happenings sa homepage. Tulad din ng ibang online games, pwede kang bumisita sa mga spaces ng iyong friends at mag plan ng virtual activities like dancing at picnic trip. Ang nakakaaliw pa rito, maari ka ring mag iwan ng note sa kwarto ng friends mo. Isang open-world na concept ay available din sa Bondee. Ito nga ay ang ‘sailing’ feature kung saan pwede kang makahanap ng rare items para sa iyong room, gumawa ng messages in drifting bottles, at makatagpo ng ibang users beyond your friend’s circle.

Bondee’s NFT integration

Ilan sa tanong ng karamihan ay kung mag-kakaroon nga ba ng non-fungible token (NFT) integration ang Bondee. Ang sagot dito ay oo, ngunit hindi pa ito makikita sa app sa ngayon. Nakasaad sa Bondee’s original privacy policy na ang mga users ay maaaring mag-create ng blockchain-based wallet within the platform. Ito ay gagamitin nila sa pag-spend ng B-Beans upang makabili ng non-fungible token (NFT) na mga products sa platform. Ang B-Beans ay maaaring mabili gamit ang fiat currency, at ang mga nabiling non-fungible token (NFT) products will be stored in your blockchain-based wallet using blockchain technology.

Hindi pa man official ang non-fungible token (NFT) feature ng Bondee sa app nito, isang NFT artwork ang nag-viral sa Facebook kung saan ipinakita nya ang kaniyang creative take sa pamamagitan ng pag-create ng Bondee-inspired room na katulad ng convetional Filipino setting.

Iba’t iba ang mga reaction ng tao sa balita ng non-fungible token (NFT) integration with Bondee. May mga iba na disappointed at mayroon din namang mga excited. Ngunit malinaw naman sa umpisa pa lang na ang Bondee ay isang metaverse app at talagang may possibility na ito ay ma-involve sa NFT at crypto. Sa aming palagay mga ka-Earn and Use, ang mga plano ng Metadream para sa Bondee app ay mag-bubukas ng mga opportunity sa mga artists and pati na din sa mga collectors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *