Para sa advocacy nito na “Tech-up Pilipinas,” ang pinaka “most crypto-friendly bank” na UnionBank of the Philippines (UnionBank) ay nag-announce ng kanilang pagsali sa metaverse via The Sandbox, one of the world’s leading metaverse platforms. Ang goal ay ma-promote ang innovation sa pag-engage at pag empower ng Filipino Web 3.0 community at mga artist nito sa pamamagitan ng mga activities sa metaverse.
Ang Sandbox ay isang community-driven metaverse platform kung saan namomonitize ng mga artists at creators ang kanilang voxel assets at gaming experience sa blockchain. Dahil dito, pwede silang maging mas creative at innovative sa kanilang game environments at events sa metaverse.
Sa pagsali ng UnionBank sa The Sandbox, makakagawa sila dito ng metaverse branch at lounge kung saan pwedeng mag-interact ang kanilang mga users. Kung sakali, ang UnionBank ang kauna-unahang bangko sa Pilipinas na sasali sa The Sandbox. Magiging kasabayan nito ang ilan sa malalaking brands at personality sa buong mundo tulad ng Adidas, Gucci, Samsung, HSBC, Standard Chartered, Snoop Dogg, Atari, at marami pang iba.
“We joined The Sandbox because we want to be able to interact and engage with growing Filipino community in the NFT and metaverse space. Metaverse services could range from crypto transactions, to the creation of NFTs, hosting of events, and connecting with new clients,” ayon kay Migui Planas, UnionBank NFT Lead sa Metaverse Center of Excellence. “This is also a new market we want to capture. The metaverse is already being used by generation Alpha, the next gen of customers.”
“The metaverse can also create many opportunities for Filipinos to connect with a global community. This is another way of “Tech-ing” up Pilipinas,” dagdag pa ni Cathy Casas, UnionBank Head of Blockchain and API Business Group and Metaverse Center of Excellence.
Isa ang UnionBank sa mga active na nagpo-promote ng digital space sa buong bansa. Kailan lang ay in-announce nila ang pagkakaroon ng access para makapagtrade at magtago ng crypto sa kanilang online wallet para mapaghandaan ang innovation na dala ng Web 3 at ng metaverse. Kung sa innovation at future tech, siguradong hindi magpapahuli talaga ang mga Pinoy.