Ever wondered how to use your Bitcoin in your daily life? Pwede mo kayang ibili ng snacks ang Bitcoin mo or gawing pamasahe? Well, wag ka nang mag-imagine dahil ang Philippine-based fintech firm Paytaca, Inc. ay nag-announce na meron na silang Bitcoin Cash (BCH)-powered vending machine in Tacloban City. Hindi ba bonga?!? Ito raw ata ang kauna-unahang vending machine sa bansa kung saan pwedeng gumamit ng cryptocurrency gaya ng Bitcoin.
Ang Paytaca ay isang online payment system na gumagamit ng blockchain technology at Bitcoin cash for secure online transactions. Paytaca is located in Tacloban City, Philippines.
Simple lang ang concept ng vending machine na to: pwede kang bumili ng snacks or drinks, pero siempre, ang pangbayad ay hindi pera kung hindi Bitcoin Cash (BCH). Ang hardware system ng vending machine ay gawa sa Raspberry Pi na may customized na software.
Are you ready for our #BitcoinCash-powered vending machine? Come to our launch and experience the utility of peer-to-peer electronic cash. 💪😎🚀 pic.twitter.com/JQ39QosVAl
— Paytaca (@_paytaca_) October 4, 2022
Ayon sa Paytaca “The internal wallet in the machine can be linked to a Paytaca wallet where all the payments are received. The software includes an admin panel where the inventory of items can be updated.” Hindi ba simpleng simple lang. Malaking innovation ito para sa mga Bitcoin users. Imagine expanding this tech and using cryptocurrency para sa iba pang mga bilihin at groceries.
As of now, ang BCH ay nasa around 6,938.64 kapag na-convert sa peso.
Nitong July, ang Paytaca ay nakapagsecure ng mahigit 7.5 million pesos sa equity-free pre-seed funds galing sa isang decentralized crowdfunding platform. Ang funds na ito ay magagamit ng firm na ito para i-finance ang kanilang mga future plans pagkatapos nilang makapagsecure ng Virtual Asset Service Providers (VASP) license from the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para makapag offer ng fiat on-ramp/off-ramp. Plano in ni Paytaca na makipag-partner with a licensed entity to allow them to issue or use a PHP stablecoin.
Ikaw ba? Ano pa sa palagay mo ang magandang automated machine na pwedeng pag-gamitan ng crypto na makakagaan sa buhay ng mga Pinoy?