Nabudol ka na naman ba ng shopee at mag-checheckout na ng naipamili pero wala kang cash-on-hand at Crypto lamang ang hawak mo? Here are some instructions on how to use crypto on checking out your desired item on Shopee.
Before we start, please make sure you have an account with coins.ph as we will be using this platform to transfer your crypto to shopee. Check mo narin syempre kung may laman, baka niloloko mo nalang sarili mo.
Eto na ang mga steps:
1. Kapag sigurado ka nang gagastos ka at nakaisip ka na ng mga idadahilan sa misis o mister mo sa napakalaking box na i-deliver sa bahay niyo, i-tap ang Payment Option and select Payment Center/e-Wallet as a payment method after I-checkout ang product.


2. Kung sure ka na talaga, piliin ang Coins.ph Wallet and tap Confirm.

3. Minsan mo lang naman i-treat ang sarili mo, kahit araw araw ang daan ng rider sa bahay nyo at kilala nya na ang buong pamilya mo. Kaya, tap Place Order na!

4. Verify the email address then tap Pay. Magdidirekta ang screen mo sa Coins.ph. Pindutin ang Pay with Coins.ph under DragonPay. Pwede mong gawin ito habang inaantay matapos ang sinaing at mapuno ang tubig sa drum.


5. Buksan ang coins.ph account mo at i-verify ang account mo.


6. Eto yung part na wala nang balikan, wala nang ulitan, at dapat ready ka nang harapin lahat ng consequences ng order mo. Click mo na yung Pay! I-check out na ‘yan, sabi ng iyong konsensya, at maikli lang naman ang buhay.

At dyan nagtatapos ang isa na namang budol session ng Shopee. Sana ay may natutunan kayo at sana ay marami kayong na-checkout. Magbabalik kami para sa mas marami pang tips or life hacks kung paano ubusin ang ipon, este kung paano pa magamit o di naman kaya maparami ang inyong mga cryptocurrencies.