Kahit maraming mga kumukontra at nagba-ban sa NFT gaming, mukhang hindi papapigil ang ilan sa mga malalaking Japanese gaming firms para maipasok sa banga ng NFT ang kanilang mga games.
Ibinahagi ng Oasys blockchain representative na si Ryo Matsubara sa Cointelegraph sa 2022 Tokyo Games Show na hindi lang binabalak na maging parte ng Crypto bandwagon, kundi may pang matagalan pang plano ang mga Big gaming company like Sega, Square Enix, at Bandai Namco.
“We have a shared vision about blockchain at the executive level. They don’t [want to] change that policy. They really understand the future adoption of blockchain. They’re not thinking about, you know, just the revenue, they want to create the next future [of gaming].”
Kung tatanungin kung ii-integrate ng mga company na ito ang kanila mga sikat na games gaya ng Tekken at Pac-man sa Bandai, Sonic the Hedgehog sa Sega, at Final Fantasy sa Square Enix, ayon kay Matsubara, plano nilang gumawa at maglabas ng mga bagong laro bago gamitin ang mga sikat nilang games. Kailangan pa ng mas mahabang panahon at madaming integration para daw maiconnect yung mga sikat na laro dati sa blockchain lalo pa’t mas nangingibabaw ang pagkadepende ng NFT’s sa presyo ng mga in-game items kesa sa gameplay at saya na maihahatid nito. Ayon pa sa kanya, sa katagalan ay madami pang improvement sa gameplay para maging “hyped” ang kanilang mga laro.
Sa totoo lang eh mas marami talagang taong naghahanap ng masayang laro kesa doon sa mga naglabas ng games para kumita lang.
Ang Oasys proof-of-stake blockchain ay nakadirect sa paglalabas ng mga games at malapit nang mag launch ng kanilang main net sa loob lamang ng taon na ito. Ayon kay Matsubara, sa susunod na taon ay maia-announce na ang mga lalabas na mga bagong laro galing sa kanilang mga big-name partners.
Parami pa ang nag-parami, sumasali, at dumadagdag sa blockchain gaming kahit pa hindi ito gusto ng Epic Games na may gawa ng Minecraft. Hindi na ata mapipigilan ang pagsulpot at pagpalit ng mga big companies ng technology para sa mga matagal at bago nilang game players. Imagine how far our technology goes. Dati rati ay mga pustahan lang sa Counter Strike, ngayon ay makakapaglaro ka na habang kumikita pa.