Ragnarok game poster.

Kung naabutan mo ang sound na ito (https://www.youtube.com/watch?v=gsNaR6FRuO0) masakit na ang likod mo at panahon na para mag-asawa ka na. Aside from that, for sure ay naabutan mo ang larong Ragnarok sa PC kung tambay ka sa pchan dati at naguubos ng baon sa pangload sa game na ito. Ayon sa ating nasagap na balita, ang Gravity na may gawa sa Ragnarok ay makikipag partner sa “The Sandbox” para bigyan ng immersive experience ang kanilang mga users sa Ragnarok online. Naging available ang Ragnarok sa PC at mobile nito lamang mga nakaraang taon. Naka lisensya din sa Ragnarok ang ilang online stores, animation, pati ang Ragnarok Origin at Ragnarok M Eternal Love sa mobile na hanggang ngayon ay nalalaro ko parin.

About Gravity

Ang Gravity Co., Ltd. ay kilala sa buong mundo. Nabuo sila noong April 2000 simula noong pag-boom ng Korean gaming industry. Gravity lang ang nagging domestic game company na nakalista sa NASDAQ. Sila ang lumikha sa MMORPG Ragnarok Online na naging hit sa Pinas noong 2003. Kahit ngayon, patuloy parin ang Gravity sa pagexpand ng kanilang services sa Ragnarok Online IP-related games sa iba’t ibang genre at platforms.

Ayon sa Gravity, ang Ragnarok Land ay mabubuo sa The Sandbox at magkakaroon ng mga iba’t ibang NFT at content na maguutilize sa Ragnarok IP. Magkakaroon din ng Game Jam base sa Ragnarok universe.

“We are happy to collaborate with Ragnarok, which has been long loved by gamers all around the world,” sabi ni Cindy Lee, CEO of The Sandbox Korea. “Through this partnership, the excitement and joy that Ragnarok brings to players can be adapted in a new way through metaverse content.”

Ang Ragnarok ay may estimated na 9k players daily at 953K players sa buong buhay nito mula pa noong simula. Sa pagkakaroon ng bagong platform ng Ragnarok, mas lalong maeenjoy ng mga player ang bago nitong anyo na mabubuo sa Metaverse. Pwedeng makahatak ng mga bago pati narin ng mga returning players na pamilyar na sa larong ito. Dahil din dito, maraming pwedeng matutunan ang mga gamers about sa Web3 gaming at sa mundo ng Metaverse. Start narin ito para pumasok ang iba pang mainstream game companies sa mundo ng Metaverse gaya ng Square Enix, pero kasabay nito, maraming mga developers at creators ang nag-baban at iniiwasan ang mga laro nila gaya ng Minecraft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *