Hanggang saan kaya makipagsabayan ng mga Pinoy sa mga crypto at NFT games sa ibang bansa? Kung naiisip mo din kung gaano tayo ka-advance, eto na ang sagot dyan. Alam mo na ba ang bagong chika ka-Marites? Mayroon na tayong sariling homemade na NFT games. Yan ang Anito Legends.

Ano ang Anito Legends?

Ang Anito Legends ay isang play-and-earn NFT game na inspired sa ating mga Philippine folklore at mythology. Yan yung mga panakot sayo ng nanay mo noong bata ka gaya ng mga shokoy, tikbalang, kasama na rin yung mga nakalimutan nang Philippine mythology creatures. Hindi ba mahilig na ang mga tao sa mga game characters na bampira at werewolf, panahon naman para ang Pinoy mythology creatures natin ang sumikat.

Ang Anito Legends ay isang casual auto-battler kung saan pwede kang mag build at ipanglaban ang mga classes na nabangit ko nang una. Meron din itong PVE (Player vs Environment) at PVP (Player vs Player) modes, at may mga quests at challenges din na magre-reward sa mga player ng in-game currency, crafting materials, at mga sandata at armor na magagamit sa larong ito.




Anito Legends Currency

Ang Anito Legends ay gumagamit ng dalawang token system: Ang $LARO na governance token at magagamit para maipangbili ng NFT ng anito, at ang $GINTO naman ang utility token para sa in-game currency — ito rin ang token na icoconvert sa fiat currency.

How to Sign-up

Kung gusto mong malaman ang iba pang mechanics at kung paano mag-register sa larong ito, i-click lamang ang link na ito papunta sa Anito Legends website “https://play.anitolegends.com/”.

Ayos! Hindi ba nalibang ka na sa paglalaro at kumita mabubuhay mo pa ang malapit nang mawalang kultura nating mga Pinoy, ang mga nalimutan nang kwento at ang ating napaka unique na mythology. Sana’y hindi sila malimutan ng mga susunod na henerasyon dahil ang ating mga kwento ang bumubuo ng kung sino ba talaga tayong mga Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *