Alejandra Guajardo wearing her Bitcoin themed dress.

Mukhang kung magiging babae ang Bitcoin ay nairampa na ni Alejandra Guajardo ang perfect na magiging itsura nito sa  preliminary round ng Miss Universe contest.

Mayroon siyang malaking El Salvadorian Coin na nakakabit sa kanyang likod at may hawak na pak na pak na malaking Bitcoin symbol sa tuktok, nitong nakaraang preliminary round ng Miss Universe contest.

Dahil nga sa Bitcoin na ang pinaka legal tender ng bansang ito mula pa noong 2021 tamang tama lang yung tema na ito na likha ng artist na si Francisco Guerrero. Pero syempre kayo na ang humusga kung waley o havey ang pagkakarampa ni Alejandra Guajardo.

Watch the video now

“The evolution of the Salvadoran monetary system throughout all these years is a testament to the way Salvadorans have transformed their economy at different stages of their history,” Yan ang translated version ng sinabi ni miss Alejandra dahil hindi ko rin maintindihan yang sinabi niya sa kanyang Instagram.

Totoo nga naman na “You don’t need a sash when you are dressed as a cash” na pagkaka-introduced ng host sa pagpasok ni miss Alejandra sa stage. Ayon pa sa pageant announcer na ito ang history ng El Salvador’s currency. Nagsimula sa cocoa, tapos ay colón hanggang sa napalitan ng U.S. dollar hanggang sa kasalukuyan na naging Bitcoin na ang  ginagamit nila.

Kahit na bumagsak ng 50% ang presyo ng bitcoin ay kampante parin ang kanilang president na si Nayib Bukele na kailangan pang palawakin ang BTC adoption sa kanilang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *