Mula sa pangalan nitong Facebook Pay nag-announce ngayong lingong ito ang CEO ng Metana si Mark Zuckerberg na mai-rerename na ito bilang Meta Pay. Tatakbo parin ang Facebook Pay ngunit unti-unti nang mag-roroll ang changes mula sa United States hanggang sa umabot sa buong mundo.

Ang Meta Pay ay magrerepresenta bilang digital wallet para sa kalian lang na inilabas ng Facebook na Metaverse. Ang wallet na ito ay magsesecure sa identity ng mga gagamit at sa kung saan nila gagamitin ang kanilang wallet.

β€œIn the future there will be all sorts of digital items you might want to create or buy β€” digital clothing, art, videos, music, experiences, virtual events and more,” Ayon kay Zuckerberg sa isang Facebook post. Ang proof of ownership ay importante upang madala mo ang mga items na ito sa ibat-ibang services. Lahat ng nabili mo ay magiging available sa kahit anong metaverse na pinasukan mo at nais mong pasukan.

People can add their preferred payment method, mabilis ding makikita ang payment history at maaayos ang settings in one place lang, pati ang customer service na masusungit 24/7 via email or chat daw. Ayon pa sa Meta, naka-encrypt lahat ng data mula sa customers at may anti-fraud monitoring system para magdetect ng mga hinayupak na illegal activities. At meron pang META-Pin gamit ang face or fingerprint recognition. Huwag ka lang mag mamake-up ng makapal para ma-access mo.

Ang lahat ng nakapag-setup na ng Facebook Pay ay hindi na kailangan mag-apply ng panibago sa Meta Pay dahil mag-stay ang information mula sa Facebook Pay (sana lahat nag-istay).

Kahit medyo malayo pa ang tatakbuhin ng project na ito base kay Zuckerberg, mas malaking opportunity at mas maraming experiences ang maibibigay nito sa mga adik na users ng Meta (chos lang). Sa mas maraming lugar na pwedeng paggamitan ng mga digital goods, mas gaganda daw ang value nito at gaganda ang market para sa mga creators. Mas madali na ang buhay, mas lalo pang dadali hindi ba? Go mga tamad! Joke lang ang hirap kayang lumabas ngayong pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *