May sigaw ngayon ang Maya, “Darna!” Ay hindi yun. Ang online payment platform na Maya ay ini-encourage ang lahat ng mga entrepreneurs, online merchants, kahit pati mga tinderang Marites na i-consider ang paggamit ng blockchain technology para sa kanilang business dahil narin sa paglago at pagiging accessible nito sa Pilipinas.
Nitong nakaraan lang ay naglabas ang Maya ng ibat-ibang sikat na mga crypto na pwede mong bilhin, itago, at ibenta kahit sa maliit na halagang 1 pesosesoses. Mapa BTC, Solana, Doge at Ethereum ay available sa kanilang app at marami pang bagong dagdag na crypto.
Nagkakaroon narin ng mga crypto rewards ang kanilang mga mobile app users kada gagamitin at mag-tatransact sa Maya app.
Ayon Pepe Torres, Maya Chief Marketing Officer (CMO) noong nasa Franchise Asia Philippines 2022 virtual conference siya “So there is a lot of promises around the core technology behind cryptocurrency, which is blockchain, [as it] has a lot of promises in terms of international remittances, making it easier to buy goods and services around the world and also in terms of developing more secure and smart contracts for goods and services.”
Ipinapakita din sa latest Visa Consumer Payment Attitudes Survey ayon kay Torres na nagkakaroon ng trend ang pay and get rewarded with crypto na sistema ngayon. It is also worth noting that there is significantly growing interest in the Philippines and across the world to pay in crypto so there is increased interest, at 72 percent here in the Philippines, but also get rewarded in cryptocurrency by 76 percent.” Dagdag pa ni Torres.
Ang crypto assets ngayon sa Pinas ay legal dahil narin sa progresibo nitong legislation at regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga service providers, dahil dyan, mas lalong madaling i-adopt ang blockchain sa Pilipinas. Naniniwala ang BSP na may potensyal ang virtual currencies sa Pilipinas, pasok na pasok sa banga ika-nga nila. Mas magiging mabilis ang domestic at international transaction natin kapag nakapag-adopt na ang buong Pinas.
Lahat ng bagay ay may simula at sana nga ay magtuloy tuloy na ang blockchain adoption sa Pilipinas para mas bumuti at dumali ang lagay ng ating ekonomiya dito sa bansa.