CS:GO poster

Patok na patok at napapanahon ang online gaming ngayon, at kung ikaw ay isa sa mga video gamers dito sa Pinas, sure na makaka-relate ka dito!

Ayon sa isang survey ng Rakuten Insight ngayong taon lamang, 80% ng respondents nila dito sa bansa ay naglalaro ng online games. Ibinunyag din ng 2020 statistics na ang Pilipinas ay mayroong 43 million active gamers. Ilan sa mga kilalang laro dito ay ang Dota 2, Mobile Legends: Bang Bang, League of Legends, Call of Duty, Counter Strike: Global Offensive, VALORANT, at marami pang iba. Tunay nga namang mabilis ang pagsikat at pagtangkilik ng mga Pinoy sa Esports.

Bukod sa saya at bonding with barkada na dulot ng paglalaro ng mga sikat na online games, alam nyo ba na maari din itong pagkakitaan? Kaya kung isa ka ding hilig ang online games, aba! Simulan nang pagkakitaan ang larong pinagkakaabalahan.

Isa ang CS:GO sa pinakasikat na online games dito sa Pilipinas. Ang paglalaro nito ay naging hobby at passion na ng mga Pinoy lalo na ng mga kabataan. Sinong makakalimot sa pagtambay sa mga computer shops after ng klase kasama ang barkada? Kaliwa’t kanan pa ang pustahan ng baon para mas nakakaaliw ang paglalaro nito noon.

Ang CS:GO, o Counter-Strike: Global Offensive ay isang multiplayer tactical shooting game kung saan teamwork at strategy ang kailangan upang manalo. Pero alam nyo ba na maraming paraan para mas pakinabangan ang paglalaro nito?

Bukod sa pagsali sa mga live battle competition or iba pang mga tournaments, may mga mas madaling paraan para kumita sa pag lalaro ng CS:GO. Ilan na rito ay ang ang buying, selling, at trading ng mga skins; ang pag pasok bilang streamer sa YouTube o sa iba pang social media platform; ang pag boost ng rank; pero higit sa lahat, maari ka na ring kumita ng Bitcoin dito.

Introducing ZEBEDEE Infuse App

Ang ZBD Infuse ay isang desktop app functioning as a launcher kung saan pwede ka maglaro ng CS:GO at kumita ng Bitcoin. Pero paano nga ba tayo kikita gamit ang platform na ito?

Once launched na ang ZBD Infuse app, pwede kang sumali sa mga server at magbayad ng entry fee. Ang mga entry fees na makokolekta mula sa lahat ng players na sumali sa isang server ay magsisilbing prize pool. Ang entry fee ay nagkakahalaga ng minimum 100 satoshis (1 satoshi = 1/100,000,000 BTC). Ang potential earnings ay magbabago-bago depende sa kills/deaths sa laro. Kapag ikaw ay nagkaroon ng successful match, maaari kang magkaroon ng mas madaming satoshis kumpara sa nilabas mo sa simula ng game. Ang mga players ay pwede mag stack ng sats at magpadami ng BTC, pero pwede din naman na mag cash out any time.

Kung ayaw mo naman mag labas ng Bitcoin para sa entry fee, ang platform ay may mga sponsored servers din. Pwede ka pa ring sumali, maglaro, at kumita ng libre! Ang mga transaction sa ZBD Infuse app ay handled ng Lightning Network.

Vaionex Gaming Integration with CS:GO

Ngayong taon lamang ay inihayag ng Vaionex Gaming< ang integration ng platform na ito sa larong CS:GO. Ang mga players na maglalaro gamit ang paymail address nila sa Relysia ay makakatanggap ng $0.01 sa bawat kill. Mas maraming laro, mas maraming sats ang pwede mong kitain! Ang mga kikitain dito ay dumidiretso sa Relysia Wallet, kaya siguraduhin na nakapag-download ka na rin nito.

Nakaka-bilib na ang mga larong hilig lang noon ay possible palang mapagkakitaan sa pamamagitan ng crypto at ng mga platforms tulad nalang ng ZEBEDEE at Vaionex Gaming. Ang pagpasok at pagsikat ng crypto gaming sa mundo at sa bansa ay nagpapakita na tayo ay ready na sa next-level economy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *