NFT crypto art sign

Mga ka-Earn and Use, familiar ba kayo sa term na ‘NFT?’ Ang NFTs or Non-fungible tokens ay mga unique digital assets based on blockchain technology. Ito ay nagsisilbi bilang certificate of ownership para sa mga virtual or physical objects kung saan ang bawat NFT ay mayroon lamang isang official owner. Ang mga pagkakaiba ng bawat NFTs ay maaring matukoy sa pamamagitan ng metadata at unique identifiers katulad ng barcode. Ang mga NFTs ay gawa din sa same type of programming na ginagamit sa cryptocurrencies, pero, ‘di tulad ng ibang cryptographic assets, ito ay hindi pwedeng i-replace or i-interchange.

Marami ding forms at use cases ang NFT. Ilan na nga rito ay ang gaming, fashion, music, artwork, sports, at maging real-world items tulad ng real estate properties. Ang mga advantages ng NFT technology ay maaari ring i-combine sa functionality ng decentralized finance o DeFi. Isang example ay ang posibilidad na mag lend and borrow ng NFT upang ito ay gamiting collateral sa pag secure ng isang loan.

Kung isa kayo sa mga followers ng Earn and Use pages and website, marahil ay mapapansin ninyo na madalas namin itong mabanggit sa mga articles at pati na rin sa mga social media posts. Tara, i-explore pa natin ang NFTs!

NFT explained

Ang bawat NFTs ay may kani-kaniyang unique identification codes upang mas mapadali ang pag transfer ng tokens ng bawat owners at upang mas mapadali rin ang pag verify ng ownership. Nabubuo ang mga NFTs mula sa proseso ng minting kung saan ang NFT information ay recorded sa blockchain. Ang minting ay isang proseso ng pagsalin ng digital item into an asset sa blockchain. Kapag ang ownership ay recorded na sa blockchain, hindi na ito maaaring pakialaman at baguhin. Ito ang nagsisilbing paraan upang ma-verify at ma-trace ang authenticity ng ownership.

Non-fungible tokens and blockchain concept.

Ang mga tokens ay itinatalaga sa isang unique identifier na direktang naka-link sa isang blockchain address. Bawat tokens ay may isang owner, at ang ownership information ay available sa public. Kapag nabuo ang isang NFT, nire-retain ang metadata tungkol sa digital file. Ang mga bumubo sa NFT metadata ay ang mga sumusunod: (1) item’s artist, (2) item’s description, (3) price, (4) NFT creation date, (5) item’s ownership, (6) asset’s transaction history, (7) the new owner, (8) location links of the file representing the NFT.

NFT Marketplaces

Kung ang mga pang-karaniwang items ay may online market upang bilhin at ibenta tulad na nga lamang ng Amazon, Shopee, at Lazada, ang NFTs ay mayroon ding marketplace. NFT marketplaces ang tawag sa platform kung saan pwedeng mag create, buy, and sell ng NFT ang mga digital collectors. Ito ang nagsisilbing blockchain platform para sa NFT. Ang mga digital collectors ay maaaring mag-display at mag-benta ng kanilang NFTs sa platform na ito kapalit ng cryptocurrencies o ng pera.
Paaano nga ba nagiging accessible ang buying and selling ng tokens sa mga NFT marketplace? Ang NFT marketplace ay may tinatawag na smart contracts, ito ay isang type ng protocol kung saan kontrolado nito ang mga connections sa pagitan ng supplier at ng buyer. Nagiging accessible ang mga transaction dahil na rin ang mga smart contracts na ito ay may NFT-specific identifying data.

Kapag ikaw ay nakapag-create na ng account sa NFT marketplace, maaari ka na tumingin-tingin ng mga available items for sale. Ang pagbili ng NFTs ay naka-depende din sa iba’t-ibang sites or platform. May mga marketplace na pwede mong bilhin ang NFT for a fixed price, at may iba naman na auction. Ang mga NFT marketplace din ang may handle ng pag-transfer ng isang NFT mula sa previous owner patungo sa bagong owner kung saan after ma-complete ang isang transaction sa nasabing marketplace, ang change of ownership ay recorded sa kanilang blockchain.
Ayon sa Forbes, ang mga sumusunod ay top NFT marketplaces kung saan pwede ninyo umpisahan ang inyong NFT journey:

How to buy and sell NFTs

Non-fungible tokens NFT isometric illustration videos and audio

Paano mo naman ma-aaccess at magagamit ang NFT marketplaces? Paano ka nga ba makakabili NFTs? Simple lang! Kailangan mo lang mag set-up ng crypto wallet na compatible sa blockchain network na sumusuporta sa NFT na nais mong bilhin. Kailangan din ay pre-funded na ang iyong wallet bago bumili, mag-list, or mag-mint ng NFT. Dapat rin ay naka-create ka na ng user account sa napili mong marketplace.

Sa pag-bili ng NFTs, dapat ay na-identify mo na kung saang marketplace mo ito bibilhin at anong wallet ang kailangan mong idownload at i-connect sa platform na iyong napili. Dapat rin pre-funded na ang wallet mo ng corresponding cryptocurrency upang makompleto ang sale.

Kapag ikay ay Nakagawa na ng account sa isang NFT marketplace, pwede ka ng mag-browse at mag-purchase. May mga listings na may “Buy Now” o di naman kaya ay “Make Offer” na options. Once na matapos ang purchase transaction, and NFT ay maililipat na sa iyong wallet under the “Collected” tab sa iyong profile page.
Ngayong alam mo na kung paano bumili, alamin naman natin kung paano mag benta ng NFT. Tulad ng pagbili ng NFTs, kailangan mo rin pumili ng marketplace kapag ready ka na ibenta ang iyong NFT. Hanapin ang NFT na nais mong ibenta sa collection panel ng iyong marketplace account at i-click ang “sell” button. Ididirekta ka ng action na ito sa isang pricing page kung saan pwede mong tukuyin ang sales condition kung ang NFT ay ibebenta mo with fixed price or ‘di naman kaya ay through auction.

May dalawang paths din ang pagbebenta ng NFT; Una, pwede kang bumili ng NFT at ibenta ito sa ibang marketplace. Pangalawa, pwede kang mag-create ng sarili mong NFT at mag-run ng auction or ibenta din ito sa isang marketplace.

Difference Between NFT and Cryptocurrency

Ang NFT at ang cryptocurrency ay parehong functioning under blockchain technology, pero ang dalawang ito ay may significant na pagkakaiba. Ang NFT ay digital assets na nag sisilbing certificates of ownership at patunay na ang asset ay unique sa loob ng isang blockchain. Ito ay maaring mga images, artwork, music, or documents. Ang cryptocurrency naman ay nagsisilbing digital money na pwedeng gamiting sa buying, trading, at selling transactions. Sa madaling salita, ang NFT ay ginagamit upang i-trace ang authenticity ng digital assets sa blockchain, habang ay cryptocurrency naman ay ginagamit as payments.

Isang pagkakaiba pa ng NFT at crypto, ang NFT ay non-fungible habang ang crypto tokens naman ay fungible. Ibig sabihin, ang crypto ay divisible at hindi unique. Halimbawa, ikaw ay nag-exchange ng dalawang magkaparehong token, ang value nito ay hindi mababago dahil ito ay identical. Kung saan kapag ikaw naman ay nag trade ng NFT, ang value ay naka-depende sa uniqueness nito. Ang market ang nag-didikta ng worth ng isang NFT depende sa mga key metrics tuland ng rarity, utility, tangibility, interoperability, social proof, at ownership history nito.

Ang growth ng NFT industry dito sa Pilipinas ay inaasahan pang mas tumaas sa mga darating na taon. Dahil na rin sa economic shift ng ating bansa pag dating sa usaping digital assets, patuloy na makakakuha ng popularity ang cryptocurrency maging ang NFT na rin. Ang mga NFTs ay hindi lang isang piece of art, ito ay mga collectibles na may real-world value. Kaya mga ka-Earn and Use, wag na kayong mag-pahuli. Hali na’t sumabay sa trend ng digital world!