Matunog ngayon sa ating mga kaibigang marites ang bagong labas na GTA 6 (Grand Theft Auto). Ayon sa ating mga sources ang bagong labas daw nito ay magkakaroon na ng function para magamit ang crypto sa reward system nito. Kilalang kilala ang GTA lalo na sa mga batang tambay sa computer shops mula pa noong bungad ng taong 2000’s. Kapanahunang simple pa ang lahat at bayad sa computershop ang taya kapag natalo sa counterstrike. Nakakamiss ding balikan ang GTA lalo pa at marami na itong improvement visually at technically.
Ang GTA ay isang type ng laro kung saan ang player ay magko-control ng isang character kung saan mayroong ibat-ibang mission na kailangang tapusin at bago matapos ito ay kailangan mong makipag barilan, mang-agaw at magpa-sabog ng kotse, at ibat-iba pang mga activities na for sure eh kapag ginawa mo sa tunay na buhay eh sa kangkungan ka pupulutin.
Wala pang official release ng balitang ito pero hindi din naman tinatangi ng Rockstar Games na may gawa ng GTA. Alam natin na madalas na naipa-parody ng GTA ang mga real life experiences at sceneries kaya possible ding magkaroon ng crypto sa game na ito. Pero pwede ding joke lang ito at magiging parte lang ng laro kagaya ng pagkuha ng mga pera sa mga natatalo mong npc at iba pang tauhan sa laro.
Pero bakit hindi madaming possibilities ngayon, lalo pa at kalakasan ng mga play-to-earn na mga laro gaya ng bagong labas na “Ni no Kuni: Cross Worlds,” na nag lean on din sa play-to-earn style na laro. Ang Mobile Legends (MLBB) din ay nakipag partner sa Binance at NFKings para sa kanilang NFT collections na “The Aspirants Mystery Box.” Pati ang Ubisoft na game maker ay nag-announce ng kanilang Ubisoft Quartz platform, ang platform para sa kanilang in-game NFT items. Ang Epic games naman, unlike sa rival nitong Steam, ay open para sa mga larong mayroon blockchain technology.
Mas ok naman na nauubos ang oras mo sa paglilibang kasabay nito ay kumikita kapa. Sana lang ay matuloy talaga ang planong ito para magkaroon ng advantage ang mga gamers at hindi na sila sinusugod ng nanay na may hawak na tsinelas sa mga computer shops.