Finger Print Biometric Scanning Identification System.

Alam mo yung kapag mag-oopen ka ng account sa banko, hindi ba sobrang hirap dahil andaming IDs na hinahanap. Need mo pang I-photocopy at isubmit sa kanila in-person. Sa trabaho, kailangan ng NBI clearance, academic credentials, at kung ano ano pa. Hindi ba napaka-unsecure? Paano kung ma-misplace o kaya naman ay maiwala mo habang in transit. Wala naman tayong kaalam alam kung paano naipaprocess ang ating mga data. Lahat ng yan ay napag isipan na at ginagawang solusyon ng TWALA. Nitong September 27-29 na PSA 2022 (Philippine Identification Summit) pati narin sa  Global Blockchain Summit 2022 sa Balanga, Bataan, ibinida ng Blockchain startup na Twala ang kanilang digital self-sovereign ID (SSI).

Ayon sa kanilang chief technology officer, Alex Quinit, mababawasan ang identity theft pati narin ang fraud sa paggamit ng SSIs sa anumang system. “SSI is a digital ID concept that functions on the central tenet that people must have sole ownership and control over how their personal data are used and shared.” Para naman mapagana ito kailangang gumamit ng tulong ng blockchain para maimplement ang SSI sa system. SSI ensures the communication between the identity holder saka yung receiving party, at syempre, dapat walang third party na sisira sa relasyon ay sa system pala.

Isa sa mga mabisang gamit ng SSI ay yung pag mag create ka ng e-wallet. Wala na masyadong field box na ifi-fill up at mabilis nalang malaman. Tapos ang data na nairecord sa blockchain ay hindi basta basta mapapalitan at mai-edit base sa statement ng kanilang CEO na si Jeffrey Reyes sa Global Blockchain Summit 2022.

Kapag nga naman umasa tayo sa lumang system natin, aabot pa ng siyam siyam gaya nalang nitong Philippine National ID. Hindi ba inabot na ng pasko, wala pa nga yung akin.

Across the globe ay ginagamit na at nai-explore ang SSI na blockchain-based. Sa Pilipinas, na-develop ng Twala ang SSI model na inspired sa European Union’s electronic Identification, Authentication, and Trust Services (eIDAS) 2.0. Mula ito sa partnership ng Telecommunications Company PLDT with Ohelio, Inc. Dahil sa kanila, nakapag-produce ng blockchain-powered document and digital signature platform using Twala, which will allow users to sign legally-binding documents sa laptop or smartphone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *