Nagpunta ang Earn and Use team sa Philippine Blockchain Week event para mag-ipon ng freebies, este, para bigyan kayo ng highlight tungkol sa event na ito at kung nasaang level na ba ang mga Pinoy sa usapang Web3, crypto at blockchain.
@earnandusecrypto @Philippine Blockchain Week Day 3 Highlights! Andddd it’s a wrap! Talagang fun-filled experience ang event na ito sa aming team! Plus, marami pang matutunan tungkol sa blockchain technologies! #philippineblockchainweek2022 #PhilippineBlockchainWeek #PBW2022 #cryptok #cryptopinas ♬ original sound – SNIFFER
@earnandusecrypto #PhilippineBlockchainWeek Day 1 Highlights. Present ang Earn & Use sa pinakabonggang blockchain event sa Pinas. Like and follow for more! #PBW2022 #earnanduse #fyp ♬ Sunroof – Nicky Youre & dazy
Dahil nga na-bore kami sa office, pinalipad na namin agad ang aming Earn and Use mobile papunta sa Marriott Grand Ballroom at Newport World Resorts, Manila, Philippines kung saan nangyari ang kauna unahang Philippine Blockchain Week. Bubungad sayo agad ang mga cultural music ng Pilipinas lalo na ang nakakaindak na tugtog sa ati-atihan.
@earnandusecrypto Background music sa Philippine Blockchain Week 2022 #pbw2022 #atiatihan #blockchain #crypto ♬ original sound – Earn & Use Crypto
Bago pa kami mag-ipon ng libreng t-shirt at power banks, syempre, nakinig muna kami sa conference. Ayon kay Donald Lim, ang Lead Convenor ng event, napakalaki ng potential ng Pilipinas para maging blockchain capital of Asia. Tayo lang naman ang isa sa may pinakamataas na users ng Tiktok (50 million), Facebook, at pati ang latest na Axie Infinity ay bumenta dito. Marami tayong mga businesses na nakaready para pumasok sa mundo ng Web3, at meron din tayong open-minded na gobyerno kung saan tanggap ang innovation at potential ng investment sa blockchain. Ang problema lang na nakikita ni Donald ay mas inuuna ang mag-invest sa survival kesa sa future at hindi priority ng ibang Pinoy ang pag-iinvest sa blockchain. Pero kailangan lamang na maipakita sa mga Pilipino na malaki ang opportunity sa blockchain, NFTS, at Web3. Nabangit din sa conference ang magiging role ng blockchain at Web3 sa tourism, music, arts, gaming, at pati sa pagpapabilis ng processes sa ating gobyerno.
Ngayon, tama na ang boring na usapan at mag mention na tayo ng mga nagbigay sakin ng t-shirt, este, ang mga companies na present sa event, sino sila, at ano ang kanilang ginagawa sa Web3 at blockchain.
Nandito syempre ang Gcash at ang kanilang incoming na G-Crypto. Nagsulat na ko ng article tungkol sa kanila, check nyo lang dito(link). Alam naman nating sikat sila sa mga Pinoy at hindi na kailangan ng mahabang usapan para i-introduce sila. Salamat pala sa libreng t-shirt at mug lang kasi nabunot ng iba kong kasama.
Eto naman ang Maya, ang dating Paymaya. Nakakuha ako ng notepad and pen sa kanila. Napakahusay ng kanilang malalaking incentives at interest kapag gumamit ng kanilang wallet at kapag bumili ka ng crypto sa kanila. Hindi ba mas okay kaysa magtago ka sa karamihan ng mga bangko na hindi lumalago ang pera.
Next naman ang coins.ph na may pa roleta at swerteng nakabunot na naman ako ng t-shirt. Isa ang coins.ph sa mga crypto wallet na napakadaling mag buy and sell dahil sa available ang cash in at cash out nila gamit ang mga local banks and cash wallet sa Pinas.
Medyo may konting paghihirap pero nakabingwit ulit ako ng t-shirt sa PDAX gamit ang kanilang dart board game. Ang PDAX ay isa ding homegrown na crypto wallet dito sa Pilipinas. Hindi ka rin mahihirapan mag cash in and out sa kanila. Sa oras na ito, meron na akong t-shirt pang umaga, tanghali, at pati pang tulog.
Ang 1inch naman na isang leading DEFI crypto wallet na napakadaling gamitin kahit para sa mga beginners. Pwede ka ditong mag trade ng Ethereum, BNB Chain, Polygon, Optimistic Ethereum (OΞ), Arbitrum, Gnosis Chain, Avalanche, Fantom, Aurora, Klayton, at marami pang ibang token. Safe na safe ang funds mo. “All transactions are protected as the wallet parses call data, showing what is happening in a user-friendly manner. Secure Enclave technology enabled by default.” Yan, nag copy-paste lang ako sa website nila, English kasi. Namigay naman sila ng t-shirts, shorts, pati slippers sa lahat ng mag u-upload ng kanilang wallet. Hindi ba complete attire?
Sa Bitcade naman ng CoinGeek ay nakakuha kami ng BitcoinSV sa paglalaro lamang ng kanilang mga cool na NFT games at sa pag-download ng kanilang wallet na Handcash.
Mayroon ding booth ang iba pang major sponsors gaya ng Tetrix, nChain, Ark of Dreams, DvCode, Ipay88, TierOne, Metafarms, Coinstore.com, Tiptop, Screena, Meta Grand Race, Meta Rollers, Metain, SGV, Afante Studios, Playermon, Binance, at si Project Nightfall Philanthropy. Andami nila, pero syempre, hindi ko malilimutan ang Unsmoke Pinas na namigay ng free powerbank. Nakinig lang ako sa kanilang advocacy at nagkaroon na ako ng 10k mah na power bank.
Bukod sa mga blockchain companies ay marami din kaming nakitang known influencers, celebrities, pati narin mga basketball players sa event. Mag-rerelease kami ng content na nandoon sila soon kaya abangan ninyo!