Sa wakas mukang nagpaparamdam na ang GCash sa pagkakaroon nito ng cryptocurrency buying and selling option sa kanyang app. Matagal nang inaabangan ito, at kahit ako ay excited na dahil alam naman natin na karamihan sa mga Pinoy ay GCash ang ginagamit lalo na noong pandemic at cashless system ang uso. Pwede niyong icheck ang kanilang app at makikita sa “Grow” section ng GCash na mayroon nang Crypto tab, pero nasa coming soon stage palang ito at patuloy pa rin ang development.

Kung maaalala natin last year lang inanounce ni Neil Trinidad, ang Head of New Business ng GCash, na malapit nang magkaroon ang GCash ng ability para makagamit ng crypto. Sabi pa niya na maganda ang tinatakbo ng digital assets sa Pilipinas at almost 74% ng mga Pinoy ay aware sa kapangyarihan ng crypto para makapag payaman o magamit kung saan man. 4% naman sa mga Pinoy (or 4.3 million Filipinos) ang meron na at nagagamit ang crypto sa araw-araw. Tapos 53% naman ang interesadong magkaroon. Sabi pa ni Neil na mga Pinoy ang world’s top owner ng NFT. Kapag sakaling matuloy ito ay magiging handa na ang GCash sa pagdagsa ng mga crypto users sa kanilang app.

Kailan lang ay ang Paymaya o Maya ay naglabas na rin sa kanilang app ng crypto tab kung saan pwede kang bumili at magbenta ng crypto nakapag secure na rin sila ng virtual asset service provider license (VASP) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para makapag patakbo ng crypto exchange locally. Malamang eh magiging karibal ni GCash ang Paymaya o Maya sa larangan ng pagiging isang cryptocurrency wallet. Tulad ng Paypal na naunang nang tumanggap at gumamit ng cryptocurrency siguradong dadami narin ang local based na crypto wallet dito sa Pinas. Pagalingan na lang kung sino ang makakapag market at kung sino ang may pinka mabilis at siguradong maasahang system. Pero dahil karamihan sa mga local entrepreneurs at business ay dati nang gumagamit ng GCash may chance na makahabol pa rin si GCash kahit huli na silang nagkaroon ng crypto wallet. Sana lang ay humigpit din ang kanilang security para maiwasan ang mga scams at hacking ng system.

Siguradong maganda ang kalalabasan ng financial freedom ng mga Pinoy lalo’t nasa mga app na lang ng cellphone nila ang ability para makapag-trade ng crypto. Isipin mo lumalago nang lumalago ang hawak mong crypto tapos mabilis na lang magagamit ito kung kailangan dahil sa availability ng GCash sa buong Pinas. Darating kaya ang panahon na cryptocurrency na lang ang ating perang ginagamit sa pang araw-araw?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *