Doge icon.

There are over 18,000 cryptocurrencies circulating as of the first quarter of 2022. Added to this growing number is the Dogecoin which was described as “created for sillies” by Billy Markus, co-founder and Dogecoin creator himself. Pero paano ba talaga nagsimula ang Dogecoin?

Dogecoin: A Brief History

Kapag nalaman mo ang history ng Dogecoin, ikaw ay pwedeng matawa o di kaya mamangha sa kadahilanang medyo mababaw ang rason kung papaano ito nabuo.

Totoong sa isang joke lahat nagsimula ang Dogecoin.

Nagsimula ito sa sikat na doge meme noong taong 2012, na kung saan naka-feature ang Shiba Inu na asong Japanese. Ang imahe ng aso ay may nakakatawang itsura na kung saan ay ginawang araw, hinantulad sa cake, isinama sa saging at kung ano ano pa. Ito ang naging bunsod para gamitin ang itsura ng asong Shiba Inu para irepresenta ang Dogecoin.

Image credit: dailyedge.ie

Then, binuo ni Adobe software engineer Jackson Palmer ang Dogecoin para gawan ng nakakatawang konteksto ang cryptocurrency na sa panahong iyon ay mataas ang demand. Makaraang marinig ang ugong-ugong sa Dogecoin, naisipan ni IBM software engineer Billy Markus na pumareha kay Palmer para buuin ang Dogecoin. Kalaunan, December 6, 2013 ay opisyal nang nilabas ang Dogecoin. Pagkaraan lamang ng 3 araw, tumaas ang value nito sa 300%.

Ano kinalaman ni Elon Musk sa adbokasiya at paglago ng Dogecoin?

Makaraan ng ilang taon na namamayagpag sa crypto market ang Dogecoin, isang tweet na galing kay Elon Musk ang nag-bigay ng mas matinding liyab para sa mga tumatangkilik sa Dogecoin ang nagbunsod ng pag-akyat sa crypto market na umabot sa 31% katulong ng isa pa ring tweet mula naman kay Snoop Dogg na isang American rapper.

Masasabing ang Dogecoin ay kabilang sa sikat na cryptocurrency ngayon. Ayon sa ulat, ang market capitalization ay umaabot sa mahigit $20 billion at nagkakahalaga ng $0.1448 per coin.

Ano ang pagkakaiba ng Bitcoin sa Dogecoin?

May malaking pag-kakaiba ang Bitcoin sa Dogecoin. Una, ang Bitcoin ay may sukdulang bilang na pwede lamang i-mine na nasa 21 million. Habang ang Dogecoin ay walang limita ang supply. Maraming eksperto at pahayagan ang nagsasabi na ang Dogecoin ay “inflationary coin” habang ang Bitcoin ay “deflationary coin.”

Isa pa sa pagkakaiba ay ang batayan ng pagbuo ng bawat isang cryptocurrency. Ang inisiyatibo ng Bitcoin ay maging kahalili ng perang papel na walang gobyerno o third-party company na nag mamanipula. May detalyadong puting papel na nakasaad ang buong adbokasiya kung ano ang buong salaysay ng imbentor na may alyas na Satoshi Nakamoto. Sa kabilang dako, ang Dogecoin ay may mababaw na kadahilanan kung bakit ito nabuo. Sa ganitong paraan, masasabing mahina ang teknikal na kapasidad ng teknolohiya at hindi secure.

Ang Bitcoin ay mula sa malalimang pagsaliksik at nabuo na may layunin na maging mabisang parte na pang pinansyal na ekonomiya.

Paano magmina ng Dogecoin?

Binase ni Markus ang pag-buo ng Dogecoin sa Luckycoin na nagmula sa Litecoin. Gumagamit ang Dogecoin blockchain ng scrypt technology at Proof-of-Work (PoW) consensus mechanism para sa pagmimina ng bagong coin.

Itinuturing na isang lottery ang pagmimina ng Dogecoin sa kadahilanan na isang node at a time lamang ang pwedeng makakakuha ng reward. Nakadepende sa uri ng mining machine na dapat mabilis ito na makapag-confirm ng panibagong block upang malaki ang tyansa na makuha ang reward.

Una ng naging randomized reward for block mining kapag nakakuha ng bagong Dogecoin, na kalaunan ay binago na sa static reward noong Marso 2014.

Mga makabagong GPU or so-called Application-Specific Integrated Circuits (ASIC) mining machine ang maaring makakuha ng panibagong sCrypt coins in less than a minute. Sa kasikatan ng Dogecoin, lalong humirap ang pagkuha ng reward.

  • Gaano kahirap — ayon sa datos ng Coinwarz, “The current DOGE difficulty is 9.19 M at block 4,200,542, resulting in a Dogecoin mining difficulty increase of 26.12% in the last 24 hours.”
  • Reward — makakakuha ng 10,000 Dogecoins mula sa isang block na namina makaraan ng isang minuto.

May iba’t-ibang paraan ng pagmimina ng Dogecoin.

  1. Solo mining — lumilipas ang panahon ay mas lalong humihirap ang pagmimina, kaya’t ang pagbuo ng advanced mining rigs mula sa simula ay magastos dahil mataas ang tyansa na pag-upgrade. Ang iba pang paraan ay bumili na lamang ng kumpletong mining rig mula sa manufacturer na maari pang makakuha ng discount kapag maramihan ang bibilhin. Ilan sa mga kilalang brands ay RTX 3090 Ultra Gaming, RTX 2080 Ti, RTX 2070, GeForce GTX 1080 Ti, and AMD Radeon RX 5700XT.
  2. Pool mining — ito ay isa sa pinaka-mainam na opsyon kung balak mong mag-invest sa pagmimina ng Dogecoin at maibalik ang pinuhunan. Bali ikaw ay nakikibahagi ng hash power mula sa iba pang nag-mimina na ang resulta ay mas napapabilis ang pagbuo ng block reward. Sa ganitong gawi ay mas mabilis rin ang balik ng puhunan.
  3. Cloud mining — ang ganitong paraan ng pagmimina ay nangangailangan ng data center na iyong kokontratahin upang magmina para sa iyo. Importanteng busisiin ang polisiya na nakapaloob sa kontrata bago ito pasukin at pirmahan sa gayon ay hindi ka maloko at maiwasan at lubusang pagkalugi.

Paano bumili ng Dogecoin?

Ang pagbili ng Dogecoin at kahalintulad din sa iba pang cryptocurrency. Maari ka pumunta sa mga crypto exchanges website or app katulad ng Binance, Coins.ph or Kraken. Dapat lamang na mayroon kang digital wallet at fiat currency para makabili ng Dogecoin sa mga exchanges na ito.

Simple lamang, ang unang gawin ay mag sign-up sa website exchange na napili, i-verify ang iyong account, mag pondo ng pera sa digital wallet mo at pwede ka ng makabili ng Dogecoin.

Ano na ang pananaw sa mga cryptocurrency na ito?

Marami pa rin ang nag-iinvest sa cryptocurrency sa kadahilanang may mabilisang balik ng pera kung ang merkado ay tumaas. Subalit mas madalas sa minsan na ang pag-iinvest dito ay may malaking panganib dahil halos lahat sa mga cryptocurrency ay naka-base sa alingasngas o kasikatan dahil sa endorso ng sikat na personalidad pero walang mabisang gamit sa pangkalahatan.

Bukod diyan, may mga gobyerno pa rin na hindi organisado at may poor cryptocurrency regulation sa merkado na pwedeng maging hadlang sa tuluyang pag-lago nito.

Anu’t ano man ang kinakaharap ng teknolohiyang ito, ang dapat nating isipin, kung ano man ang ilalagak mong pera sa pag-iinvest dito ay siyang maluwag sa loob mo na pu-pwedeng ito ay mag-bigay ng pagkatalo at pagkalugi. Isipin munang maigi ang estratehiya na hindi ka malugi ng malaki sa kaya mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *