What’s new with Mastercard?
Kilala ang Mastercard bilang isa sa pinakamalaking payment-processing corporation worldwide. Layunin ng Mastercard na gawing simple ang payment transactions sa pamamagitan ng technology. Pero alam n’yo ba na may bago tayong aabangan ngayon sa Mastercard?
Nitong buwan lamag ay nag-announce sa Twitter ang Mastercard ng kanilang bagong lunsad na platform na naglalayong palawigin ang kanilang music footprint.
We’re excited to grow our music footprint with the launch of the #Web3-based Mastercard Artist Accelerator, announced today at #CES! The new platform will help emerging artists pursue their passion and accelerate their music careers. 🎶 https://t.co/ckwiqCV3Ob
— Mastercard News (@MastercardNews) January 6, 2023
Ang Mastercard ay nangunguna sa paggamit ng web3 technology para sa mas exclusive, inclusive, at scalable na experience para sa mga fans at maging sa artists na din. Isa sa mga area na sinusuportahan ng Mastercard ay ang music business.
Ngayong taon lamang ay may bagong platform na inilunsad ang Mastercard sa blockchain at web3 at ito ay ang Mastercard Artist Accelerator. Ang Mastercard Artist Accelerator ay isang platform o program kung saan nais nitong makatulong sa mga emerging artist sa pag-build na kani-kanilang music careers sa tulong na din ng Polygon Blockchain.
Ang Polygon ay umaandar sa Ethereum Blockchain at nag ko-konekta din ng mga Ethereum-based projects. Ang Polygon Blockchain ay nakilala rin sa mga partnership nito sa malalaking brands kagaya na nga lamang ng Starbucks at Disney para sa accelerator program din ng mga ito. Ang mga tanyag na clothing brand kagaya ng Prada at Adidas ay nagkaroon din ng partnership with Polygon upang ilunsad ang mga NFT projects nito sa blockchain.
Sa pamamagitan ng Polygon, ang flexibility at scalability ng iyong blockchain project ay maaring mas mapalawig habang napapanatili pa rin ang security, interoperability, at structural benefits ng Ethereum Blockchain. Ang Polygon din ay mayroong ilang music apps, kagaya na lamang ng Royal at Bolero Music, kaya ito ang perfect na platform upang ilunsad ang Mastercard Artist Web3 Accelerator Program.
Ngayon ay bumalik tayo sa Mastercard Artist Accelerator. Layunin ng program na ito na bigyan ng opportunity ang mga music artists. Sa pamamagitan nito, pipili sila ng limang lucky artists worldwide upang pamahalaan ang kani-kanilang brands sa web3 space. Layunin din nito ang magbigay kaalaman sa mga tao sa industriya ng musika kung paano makakatulong ang web3 upang magbigay pa ng ibat-ibang avenue sa music.
How can this help music artists?
Magkakaroon ng platform kung saan ang mga artists ay bibigyan ng chance upang matuto at makipag-interact sa other community members upang mas palawakin pa ang kani-kanilang kaalaman sa digital art. Ang lahat ng mga kakailanganin ng artist mula sa tools, skills, at education para sa pag-mint ng kanilang artwork as NFTs ay ibibigay din ng Mastercard Artist Accelerator program.
Sa madaling salita, ang program na ito ay magbibigay daan upang turuan ang mga napiling artists na mag-mint ng sarili nilang NFT collections habang pinapataas ang kanilang online fan engagement. At hindi lang yan, magkakaroon din sila ng opportunity na magkaroon ng access sa mga special web3 events kung saan maari silang kumonekta at matuto sa iba pang mga musicians.
Kamangha-mangha talaga na kahit anong technological program ay possible sa pamamagitan ng web3 at blockchain. Sinasabing ang blockchain ay may kakayanang baguhin at i-revolutionize ang pagtangkilik sa digital world. Well, ang sunod-sunod na pag usbong ng mga innovative platforms powered by blockchain ay ang magpapatunay dito.