Purple vinyl album of Lourdes 2088.

Isa ka din ba sa mga broken dati na kinanta ang “Migraine” para sa mga nagugustuhan nating parang wala namang pakialam? Syempre ako din. Tulad ng kanta na “Torete,” “Ang Pag-Ibig Kong Ito,” “Sulat,” “Tadhana,” at syempre ang “Migraine” ay kanta ng bandang Moonstar 88. At matapos ang halos isang dekada, nagrelease na sila ulit ng bago nilang album na pinamagatang “Lourdes 2088,” last Friday lang, January 27. Bukod sa mga astig na naman na alternative na tugtugan, meron pang bagong feature ang album na ito. In partnership with web3 agency GIGIL Metama, ang bagong album ng Moonstar 88 ay may naka-integrate nang NFT sa loob ng kanilang 10 songs.

Each song in Moonstar 88’s album will have its own trading card as NFT. Kada token ay may katumbas na bawat isang invention na sasamahan ang mga broken na taong nakikinig ng mga kanta sa kanilang emotional journey. Nariyan ang: the “PusoCal” (BreakUp Scheduler), “ReEMO” (Emotional Baggage Recycle Bin and Editor), “Freezer” (Cryogenic Emotional Stasis Headwear), at marami pang iba.

Moonstar 88 band members.

“As a band, as much as we’re passionate about music, we’ve always been agile with how we can reach out to our fans and listeners… The band started from the cassette era to CD to streaming and social media and now web3 and a somewhat full circle path to physicals (vinyl and trading cards). We ourselves are ardent art and music fans, so we want to give the best experience to our fans. It’s exciting how technology makes that possible for music, plus we are so lucky to have the best producers and collaborators for Lourdes 2088,” Eto ang statement ng kanilang vocalist na si Maysh Baay.

Ang Lourdes 2088 ang magiging kauna-unahang mixed reality album na magbibigay ng kakaibang experience sa mga OPM lovers, pati narin sa mga lovers ng Web3 at NFTs. Akalain mong bukod sa music ay meron pang kakaibang inventions na magpapagaan sa mga heartbreaks ng mga tao. Isa itong tinatawag nilang “technological twist” dahil narin sa pagkaka-integrate sa metaverse at sa pag-gamit ng mga non-fungible tokens (NFT).

“We will always embrace change just to reach the Filipino people na mahal ang music namin (that loves our music). From tapes to CDs, interactive CD, pop-up album…parang lagi natin mina-maximize anong meron than resisting it… Kaya ano man ang darating na new format, it could be metaverse or actual bisita sa ibang bansa…ano pang means gagawin namin,” band guitarist Herbert Hernandez stated.

Narito pala ang Lourdes 2088 Tracklist:

1. Nangawit
2. Walang Katapusang Luha
3. Next Week
4. Feels So Right
5. Parola
6. Hangga’t
7. Akong Bahala
8. Forever With You
9. Simple
10. Sumaya Ka Ba Sa Akin

Title pa lang eh talagang mapapa “hay” ka nalang talaga lalo kapag may pinagdadaaanan kang mabigat.

Para ma-access ang NFT ng album ay kailangang magkaroon ang mga collectors ng special edition purple-colored vinyl album na worth ₱2,100 kung saan magkakaroon sila ng access to exclusive Web3 experiences, band content, and perks sa tulong narin ng web 3.0 agency na GIGIL Metama. Available na ang album sa pre-order via The Grey Market Records at Backspacer Records. Ang limited future Edition vinyl naman ay nagkakahalagang ₱3,000.

Ang mga trading art cards na nasa album at ang aesthetic ng album ng Lourdes 2088 ay gawa ni Nelz Yumul, the creative brain behind “weewilldoodl”e na isang doodle/illustration group.

As a collaborative effort, ang album pala na ito ay prinoduce ni Raymund Marasigan at Buddy Zabala (Eraserheads members), at nairecord, mixed, at mastered by Shinji Tanaka (of Squid9) sa Kodama Studio.

Mukang magiging ito na ang future ng music at web 3 sa ating bansa. Ano pa kaya ang mga susunod na pasabog ng mga OPM bands. Hindi ba nauuso din yung “Jopay” ulit ngayon? Ano kayang kakalabasan niya bilang NFT collection?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *