Jane De Leon as Darna

MANILA Philippines — Mukhang magi-step up na ang Media giant na ABS-CBN corp at makikiuso narin sila sa patuloy na pagboom ng blockchain technologies at Web 3 sa Pinas. Sa tulong ng California based developer Theta Labs Inc. balak ngayon ng ABS-CBN na magproduce ng blockchain assets for three shows para sa mga susunod na buwan.

According to ABS-CBN sa partnership na ito magpo-produce ang Theta Labs ay magmamanufacture ng non-fungible token (NFT) collectibles para sa palabas ng ABS-CBN na Darna at ang romantic comedy na He’s Into Her. Tapos ay ibebenta ito ng ABS-CBN sa kanilang mga fans na gustong mag-own ng digital items ng kanilang mga favorite na characters at franchises.

Ang mga NFT collectible na ito ay may sari-sariling design and inaasahang magkakaroon ng value depende sa magiging market nila, na pwede namang itrade ng mga may-ari nito sa cash at iba pang cryptocurrency.

Sa pag-transition ng ABS-CBN bilang isang content creator gamit ang platform na ito ay pwede pa silang mag-experiment at mag-explore ng iba pang gamit ng Web3 tech na ito. Bukod sa NFTs magpoproduce din ang ABS-CBN gamit ang Video API ng Theta Labs, ng iba pang klase ng entertainment material.

“We’re looking forward to testing and exploring Theta’s Web3 video and NFT infrastructure and how it can enhance our audience experience across various businesses and intellectual properties. Working with Theta would bring new features and capabilities to viewers and push entertainment boundaries,” Ayon kay Jamie Lopez na head ng ABS-CBN. Matapos mawala ang prangkisa ng ABS-CBN nagshift ito sa digital scene para maglabas ng kanilang shows, movies at mga music. Naging content creator din sila ngayon ng Spotify, Netflix at Viu.

Inline with this ang isa sa kanilang singing competition na “Idol Philippines” ay may partnership narin sa Theta Labs ang ABS-CBN kung saan nakakuha ng mga digital passes ang kanilang mga fans para sa liveshows at para ma-meet ang kanilang favorite candidates.

Bukod sa ABS-CBN lately ay maraming artist narin ang nagho-hop sa kasikatan ng blockchain gaya ni Ely Buendia na may NFT collections at ang Moonstar 88 na kada kanta ay may ibat-ibang NFTs na tutulong sa mga heart broken nilang fans.

Bukod kaya sa Darna ay pwede rin kayang magrelease ng mga NFTs ng mga dating favorite shows ng mga batang 90s? Wansapanatym, Hiraya Manawari, Sineskwela, Home Along The Riles ang cool siguro nun at malamang eh mataas na ang value lalo’t ang mga viewers at fans nila dati ay mga successful persons na ngayon at may mga maaayos na, na trabaho.